AK-47 rifles, military trucks, ibibigay ng Russia sa Pilipinas

Inanunsiyo ni Defense Secretary Delfin Lorenza na nakatakdang dumating sa Pilipinas ang may 5,000 bagong Kalashnikov AK47 Rifles at 20 military trucks mula sa Russia. Bahagi ito ng mga resulta sa ginawang official visit sa Russia ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte nitong Mayo 2017. (Shane F. Velasco, PIA 3)

SAN MIGUEL, Bulacan — Idedeliber na ng pamahalaan ng Russia ngayong Oktubre 22 ang may 5,000 Kalashnikov AK-47 Rifles at 20 military trucks.

Iyan ang kinumpirma ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa paglulunsad ng New AFP/PNP Housing Program para sa mga Scout Rangers sa Camp Tecson.

Ayon sa kalihim, kabilang ito sa mga resulta sa pakikipag-usap kay Russian President Vladimir Putin sa official visit ni Pangulong Duterte sa Russia nitong Mayo.

Ang mga ito aniya ay gagamitin ng militar upang labanan ang terorismo. (CLJD/SFV-PIA 3)Shane F. Velasco

error: iOrbitNews content is protected !!!