Baler, magkakaroon ng dalawang bagong fire truck

BALER, Aurora — Magkakaroon ng dalawang bagong fire truck ang Baler Fire Station ngayong taon.

Ayon kay Baler Fire Station Chief Operations Officer SFO2 Ardie Avellaneda, magkakaroon sila ng isang penetrator fire truck na kayang pumasok sa mga iskinita at masisikip na daan.

Manggagaling sa badyet ng pamahalaang bayan ang pambili dito.

Samantala, tatanggap din ang Baler Fire Station mula sa Punong Tanggapan ng Bureau of Fire Protection ng isang makabagong fire truck na may kakayahang umapula ng apoy habang umaandar.

Maari din itong gamitin sa mga nasusunog na sasakyan. (CLJD/JSL-PIA 3)Joselito S. Libranda

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*


Social Media Auto Publish Powered By : XYZScripts.com