Fiesta Communities, itinuloy ang pagsulong sa masaganang pamumuhay!

FIESTA COMMUNITIES MEXICO – Isang malaking hakbang ang inilunsad ng FIESTA Communities kasama ang kanilang homeowners sa post-celebration ng Nutrition Month!

Noong August 19, Sabado, isinagawa ng FIESTA Communites Mexico ang “Eat Green, Recycle na Rin” na naglalayong bigyan ng kaalaman ang mga ka-FIESTA natin kung paano mamumuhay in a nutritious way!

Nagkaroon ng masayang paligsahan sa pagluluto ang mga homeowners na nagtampok ng Banana Peel Burger at Tofu Kaldereta. Kasama rin sa programa ang Pot Designing na nagtampok ng paggawa ng taniman gamit ang mga recycled materials at Basic Gardening Seminar na pinangunahan ni Engr. Joceline Buan ng Department of Agriculture Porac!

Ang mga nanalo sa mga paligsahan na isinagawa ay nagkaroon ng premyo handog ng FIESTA Communities at lahat ng mga nagpunta sa event ay nagkaroon din ng libreng binhi, sa pakikipagtulungan ng Department of Agriculture.

“Masarap yung mga niluto, tapos healthy pa. Ang galing kasi andami naming natutunan. Mura lang pala ang maging malusog.” – Sarah Catacutan, Participant

Ang nasabing event ay kasunod ng parehong programa na unang inilunsad sa FIESTA Communities Porac II. Abangan at baka ang community nyo ganapin ang susunod na “Eat Green, Recycle na Rin” na hatid sa inyo ng FIESTA Communities! –Press Release

2 Comments on Fiesta Communities, itinuloy ang pagsulong sa masaganang pamumuhay!

  1. Hello there! Wonderful piece of writing! I love the method that you specified Fiesta Communities,
    itinuloy ang pagsulong sa masaganang pamumuhay!.
    Large post and additionally very good piece! There isn’t
    any doubt than a copy writer can be competent and it has
    a fantastic experience in drafting.
    If only I had these kinds of effective writing skills.

    I am a fellow student hence there is no require come up with a pile of newsprint
    definitely .
    To avert this issues try some tissue from just one of those creating articles
    products and services available inside the broad. Many them are unreliable.
    That’s therefore, why I normally take a look at this business reviews
    of essay writing services. Those reviews associated with re-writing web sites reduced the problem a lot

Comments are closed.

error: iOrbitNews content is protected !!!