Ilang bahagi ng NE at Aurora daranas ng 11 oras na kawalan ng kuryente sa Agosto 30

--Google Image

BALER, Aurora, — Makararanas ng hanggang labing isang na oras na kawalan ng kuryente ang ilang bahagi ng Nueva Ecija at Aurora sa ika-30 ng Agosto, Miyerkules.

Ayon kay National Grid Corporation of the Philippines Central Luzon Corporate Communication and Public Affairs Officer Ernest Lorenz Vidal, ang mga customer ng NEECO II Area 1, NEECO II Area 2 at AURELCO ay makakaranas ng kawalan kuryente mula alas siete ng umaga hanggang ala sais ng hapon.

Apektado nito ang mga bayan ng Talavera, General Natividad at Bongabon sa Nueva Ecija at Dingalan, San Luis, Maria Aurora, Baler, at Dipaculao sa Aurora.

Ang dahilan ng brownout ay upang iayos ang mga nasirang linya na dala ng pagkidlat noong nakaraang ika-10 ng Agosto sa str 117 at pagpapalit ng mga bulok ng poste at cross arms at iba pang maintenance works sa loob ng Cabanatuan Substation at sa kahabaan ng linya. (CLJD/JSL-PIA 3) — Joselito S. Libranda

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*


error: iOrbitNews content is protected !!!