Naging panauhing pandangal si Hermosa Mayor Jopet Inton sa isinagawang pagbubukas ng bagong Samal Dialysis Center ng KidneyWell Medical Health Services sa Bayan ng Samal, Bataan nitong Lunes.
Ang pagbabasbas ay pinangunahan ni Fr. Jefferson Paule kasama at sinaksaihan ng iba pang opisyal ng Samal na sina Vice Mayor Ronnie Ortiguerra, mga Konsehal ng Samal, Konsehal Vangie Buensuceso, Konsehal Erval Flores, Konsehal Rhina Saldaña, Konsehal Lolito Llanda, Konsehal Dylan House, Konsehal Edgar De Leon, Konsehal James Manguiat, Konsehal Marjun Bantay, Dra. Jenina Joy Jorge, Dra. Marachelle Carandang, Dra. Ma Lorelie Tong, Sir Howell Santiago Icban Special Assistance Program Coordinator and 1Bataan Malakit Dialysis Assistance Coordinator, at iba pang mga Kawani ng Lokal na Pamahalaan ng Samal.
Batid ng Pamahalaang Bayan ng Samal sa pamumuno ni Mayor Alex Acuzar ang hirap at gastos na kinakaharap ng mga pasyenteng nangangailangan nito, kaya’t magiging malaking tulong ito maging sa kanilang mga pamilya.
Ang Samal Dialysis Center ay kumpleto sa modernong kagamitan at kayang tumanggap ng mga pasyenteng taga Samal na nangangailangan na magpa-dialysis.
Layunin ng proyektong ito na ilapit sa publiko at gawing abot-kaya ang dialysis services para sa mga mamamayang Samalenyo na nangangailangan.
“Inaasikaso na din natin ang pagpapatayo ng Dialysis Center sa ating Bayan (Hermosa) upang hindi na pumunta pa sa ibang lugar o bayan para magpa-dialysis, ito ay programa ni Governor Joet Garcia at Congressman Abet Garcia, na ating sinusulong,” pahayag ni Mayor Inton.