BALANGA CITY – Isa ang panibagong kaso ng pagkamatay habang 28 ang bagong nagpositibo sa sakit na COVID-19 sa Bataan.
Ito ang latest report ni Bataan Governor Abet Garcia base sa ulat sa kanya ng Bataan Provincial Health Office.
Sa naturang datos, umabot na sa 2,197 ang bilang nagpositibo sa coronavirus disease kung saan 683 dito ang active cases at 36 na ang namatay.
Sa mga gumaling o recovered cases 100 ang bagong nakarekober kaya’t umakyat na sa 1,478 ang bilang ng mga gumaling na.
Sa mga bagong nagpatest, 231 ang nagnegatibo habang 319 ang pending o naghihintay pa ng resulta.