Isa ang naiulat na namatay habang 9 naman ang panibagong recoveries o gumaling sa sakit na COVID-19 sa Bataan.
Ayon sa ulat mula sa Bataan Provincial Health Office, ang latest case ay namatay na isang 72 anyos na babae na naka admit sa ospital mula pa noong Abril 30, at may iba pa umanong karamdaman bukod sa coronavirus disease. Dahil dito umabot na sa 146 ang confirmed cases ng Covid-19 sa Bataan.
Sa kabuuan, umabot na sa pito ang bilang ng mga pumanaw na at 88 naman ang mga nakarecover na.
Ang mga bagong nakarecover ay ang mga sumusunod:
• Isang 63 taong gulang na lalaki mula sa Lungsod ng Balanga• Isang 33 taong gulang na lalaki mula sa Lungsod ng Balanga• Isang 39 na taong gulang na lalaki mula sa Limay• Isang 50 taong gulang na babae mula sa Limay• Isang 52 taong gulang na lalaki mula sa Orani• Isang 44 na taong gulang na babae mula sa Dinalupihan• Isang 23 taong gulang na babae mula sa Abucay• Isang 26 na taong gulang na lalaki mula sa Mariveles• Isang 42 taong gulang na lalaki mula sa Orion
Nasa 410 ang naghihintay ng resulta ng test at 1,873 ang nagnegatibo na. Mula pa noong ika-31 ng Enero hanggang sa kasalukuyan ay 2,429 na ang natest sa buong probinsiya ng Bataan.