10,000 ecstasy tablets, 113 kilos ng marijuana kumpiskado sa Pampanga

Tinatayang 10,000 piraso ng ecstasy tablets na nagkakahalaga ng P17 milyon at 113 kilograms ng pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga naman ng P13 milyon ang nasabat nitong Sabado at Linggo.

Ang operasyon kontra droga ay kinabilangan ng pinagsanib na operatiba ng Clark Development Corporation- Public Safety Department, Mabalacat City Police, Regional Mobile Force Battalion ng Police Regional Office 3, Philippine Drug Enforcement Agency Region III (PDEA RO III), PDEA RO-4A, Bureau of Customs – Port of Clark at ng PRO-3 Regional Drug Enforcement Unit (RDEU) sa magkakahiwalay na drug operation nitong Sabado at Linggo sa lalawigan ng Pampanga.

Ayon kay PRO3 regional director BGen. Rhodel Sermonia, unang nasabat nitong Sabado ng gabi sa isinagawang controlled delivery operation ang nasabing 10,000 piraso ng ecstasy mula sa mga naarestong suspek na sina Joshua Bautista, 20 years old, residente ng Maquiapo,Guagua, Pampanga; William Valencia,41 years old, residente ng San Roque, Dau 1st, Lubao,Pampanga; Raphy Quiboloy, 30 years old, residente ng Maquiapo,Gaugua, Pampanga; Patrick Bagang,35 years old, residente ng Sta.Cruz, Lubao, Pampanga at Katrina Legaspi, alias Charmaine Valencia Bacani, 36 years old, single at residente rin ng San Roque Dau 1st, Lubao.

Nabatid na ang mga naturang ecstasy tablet ay dumating mula pa sa Netherlands na nakapangalan kay Joshua Bautista at Charmaine Valencia Bacani na na-trace ng BOC-Port of Clark and PDEA Clark Interdiction Unit kung kayat agad na nagsagawa ng controlled delivery operation na ikinadakip ng mga suspek.

Ang mga suspek ay mahaharap sa kasong Violation of Section 4 (importation of dangerous drugs) of Republic Act 9165.

Dalawang hinihinalang bigtime drug pusher ang nadakip kung saan 107 na plastic-wrapped bricks ng pinatuyong dahon ng marijuana ang nadiskubre sa loob ng isang closed-van Linggo ng umaga sa Clarkfield, Mabalacat City.

Kinilala ni Sermonia ang mga naarestong suspek na sina Morgano Manalastas, resident ng A Santos St. Balibago, Angeles City at Ronald Miranda, 40 yrs, ng Diamond St. Balibago, Angeles City.

Ang mga suspek ay sakay ng isang puting Nissan van ng masabat sa Clark South gate ng Subic-Clark-Tarlac Expressway sa isang checkpoint inspection ng Mabalacat Police at RMFB3 personnel.

Tinatayang 113 kilos ng nabanggit na marijuana leaves ang nakumpiska sa pag-iingat ng mga suspek na nagkakahalaga ng P13 milyon at mga ito ay nahaharap sa kasong Violation of Sections 5 and 11, Article ll, of Republic Act 9165 or the Anti-Illegal Drugs Law.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews