1,083 pulis ikinalat sa Bulacan para sa 30th SEA Games

Tiniyak kahapon ni Bulacan Governor Daniel R. Fernando na magiging maayos, payapa at matagumpay ang isasagawang opening ng 30th South East Asian Games (SEAGames) na gaganapin sa Philippine Arena, Ciudad de Victoria sa Bocaue, Bulacan sa Nobyembre 30, 2019.

Ito ay kasunod ng 1,083 police personnel na ikakalat ng Bulacan Police Provincial Office (PPO) upang magbantay at panatiliing maayos at tahimik ang nalalapit na SEAGames makaraang isagawa ang Send-Off ceremony Lunes ng umaga sa Camp Alejo Santos sa Lungsod ng Malolos.

Ayon kay Fernando, mahigpit ang kaniyang derektiba kay PCol. Chito Bersaluna, Provincial Director ng Bulacan PPO na seguruhin ang kaligtasan ng bawat delegado ng nasabing palaro dahil pangalan ng lalawigan ng Bulacan ang nakataya lalo na’t magmumula sa ibat-ibang bansa ang mga delegates and guests.

Sinabi naman ni Bersaluna na kabuuang 1.083 police officers ang itatalaga sae Philippine Arena, Ciudad de Victoria sa Bocaue, Bulacan gayundin sa mga lugar n kakailanganin ang serbisyo ng kapulisan upang gawing tahimik, payapa at tagumpay ang isasagawang grand opening ng 30th SEA games sa darating na November 30, 2019.

Katuwang ng kapulisan sa pagpapanatili rito ng kaayusan at katahimikan ay ang Armed Forces of the Philippines (AFP), Special Action Force (SAF), Bureau of Fire Protection (BFP), Security Officers mula sa Philippine Arena, NLEX Personnel, Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) at Local Government Units (LGUs).

Ang naturang send off ceremony ay sinimulan ng banal na misa kasunod ng tradisyunal na Monday Flag Raising Ceremony.

Ang mga itatalagang dami ng  police officers ay upang seguruhin ang security coverage at peaceful environment para sa mga delegado at bisita na dadalo at lalahok sa naturang SEA Games, ayon kay Bersaluna.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews