11 katao sa Bataan arestado sa pot session, illegal drug trade 

Nadakip ang 11 katao sa isinagawang anti-illegal drugs operation sa Brgy. Saba, Hermosa, Bataan, Mierkoles ng madaling araw.

Ayon sa ulat mula kay Hermosa PNP Chief, Police Major Emerson Coballes na ipinadala kay Bataan Police Director Police Col. Romell Velasco, kinilala ang mga nadakip na sina  Ogie Catacutan, 27 anyos, nasa watchlist ng drug personalities, taga A. Rivera, Hermosa; Jesus Torres, 49, taga Saba, Hermosa; Marvin Asuncion, 40, taga Parang-Parang, Orani; Jomar Torres, 30 anyos, taga Saba, Hermosa; Jerick Torres, 26, taga Saba, Hermosa; Roland Durante, 27 anyos ng Balsik, Hermosa; Lady Dianne Arnas, 29, taga Alauli, Pilar, Bataan; Nonilon Salome, 40 anyos, taga Daan Pare, Orion; Rocky Ramos, 46 anyos taga Balsik, Hermosa; Jessie Tolentino, 48 anyos, taga Balsik, Hermosa, at Renato Pamintuan 47 ng Balsik, Hermosa, Bataan.

Base sa report ng Hermosa Police, ay mga nadakip ay sangkot sa illegal drug trade at nahulin umanong gumagamit ng illegal drugs nang magsagawa ng oprasyon ang iba’t ibang units ng Bataan PNP sa koordinasyon sa PDEA.

Nakuhang mga ebidensya ang anim medium sized heat sealed transparent plastic sachet na may lamang suspected shabu;  anim na small sized heat sealed transparent plastic sachet na may lamang suspected shabu, dalawang open medium sized heat sealed transparent plastic sachet na may lamang suspected shabu; dalawang lighters, dalawang aluminum foil na may shabu residue, dalawang improvised aluminum toother, isang gunting at P500 peso bill marked money.

Dinala ang mga nadakip at mga ebidensya sa Hermosa MPS para sa proper documentation at disposition sa mga kasong paglabag sa Sections 5, 11, 12, 13, 14, and 15 ng Republic Act  9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (MHIKE CIGARAL)

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews