1,100 BulSU students tumanggap kay Senator Marcos ng AICS aid

Pinangunahan ni Senator Maria Imelda Josefa “Imee” Marcos ang pamamahagi ng educational assistance sa 1,100 estudyante ng Bulacan State University (BulSU) sa ilalim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program na ginanap sa BulSU main campus sa City of Malolos nitong Sabado.

Ang nasabing educational assistance distribution sa mga BulSU students ay mula sa initiative program ni Marcos.

Sinamahan ang senador sa naturang aktibidad nina Vice Governor Alex Castro, Malolos City Mayor Christian Natividad, BulSU President Dr. Teody San Andres at Venus Rebuldela ng DSWD Region 3.

Tumanggap ang mga estudyante ng tig P5,000 kung saan namigay din si Marcos ng DSWD-AICS benefits sa mga ibat-ibang sectoral members sa Santa Maria, Bulacan at sa Galas, Quezon City.

Kasabay ng nasabing aktibidad ay ang selebrasyon ng birthday ng senador noong November 12 kung saan nagsagawa ng month-long celebration “#IMEEmukbang”, isang boodle fight activity kasama ang mga AICS beneficiaries na ginanap sa San Gabriel National High School at sa Commonwealth Covered Court.

Pinasalamatan naman ni San Andres si Marcos sa mga suporta at tulong nito sa mga scholars ng BulSU.

“Ang mga beneficiaries ay mga anak po ng mga magsasaka, mangingisda, driver at members ng 4Ps,” wika ni San Andres.

Samantala, nagkaloob din kaparehong programa si Marcos sa mga estudyante ng San Gabriel National High School sa bayan ng Sta. Maria na tumanggap naman ng tig P3,000.

Tumungo rin si Marcos sa Galas Covered Court sa Quezon City at namigay ng AICS aid sa 2,250 beneficiaries na tumanggap ng P3,000 each.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews