Umabot sa 113 katao ang nadakip sa isinagawang simultaneous anti-criminality law enforcement operation o SACLEO na inilunsad ng Bataan Police Provincial Office (BPPO).
Sa ulat mula kay Police Col. Jesus Rebua, OIC-Provincial Director ng BPPO, isinagawa ang sabay sabay na police operation mula Agosto 19-23 kung saan sa 108 lehitimong police operation ay nadakip ang 25 katao sa labinlimang anti-illegal drugs operations.
Samantala, 7 most wanted persons naman ang nadakip sa mga bayan ng Dinalupihan, Hermosa, Mariveles, Morong, Orion at Pilar.
Sa isinagawang 43 operasyon sa pagse-serve ng warrants of arrests ay 37 katao ang nadakip kabilang na ang Top 1 at Top 3 Sibat Targets sa kasong Rape habang sa bayan ng Limay ay nadakip sa Search Warrant implementation ang isang lalaki na nakuhanan ng baril at 4 na sachets ng shabu.
Ayon kay Col. Rebua, bagamat may Covid-19 pandemic ay patuloy pa rin ang pagtugis nila sa mga kriminal at pagsawata sa mga ilegal na gawain lalo na ang pagbebenta ng illegal drugs.