11th wave ng ayuda sa Pandi umarangkada na, 46,252 pamilya nakinabang

Tinatayang nasa 46,252 pamilya ang makatatanggap ng ayuda o food pack mula sa lokal na pamahalaan ng bayan ng Pandi, Bulacan kung saan sinimulan na ang pamamahagi nito sa unang araw ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) with localized lockdown nitong Lunes.

Ayon kay Mayor Enrico Roque, ito aniya ang ika-11th wave ng pamamahagi nila ng ayuda sa mga apektadong Pandienyo ng global pandemic simula pa noong ECQ last year Marso 2020 dahil sa Coronavirus disease (Covid-19).

Nabatid na tanging ang bayan lamang ng Pandi ang nakagawa ng hanggang 11th wave na pamamahagi ng ayuda sa nasasakupan nito at sila rin ang nagsimula ng “Silya Mo Ilabas Mo, Heto Ayuda Mo” relief distribution style sa buong bansa na ginaya at sinundan ng ibang pang mga LGUs.

Sa Day 1 ng pamamahagi, unang nabiyayaan ang 1,478 pamilya mula sa Barangay Real De Cacarong na pinangasiwaan ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Roque, Sangguniang Bayan, Association of Barangay Captains (ABC), Municipal Social Welfare Development Office (MSWDO), Philippine National Police (PNP) katuwang ang mga mother leader volunteers, samahan ng Pinagkaisang Lakas ng Kababaihan (PILAK) at sa tulong na rin ng negosyanten at pilantropong si Arnel A. Alcaraz.

“Hanggat may pandemiya, may ayuda ang bawat pamilyang Pandienyo. Tayo ay iniluklok sa puwesto.. ngayon ang panahon para sila ay suklian at ipadama sa kanila ang tapat at may pusong paglilingkod. Para sa kanila talaga yan,’ ayon kay Roque. 

Ang 9-day relief distribution ay tatagal hanggang Agosto 24 para sa 22 barangay kung saan ang bawat food pack ay naglalaman ng 3kls ng bigas, corned beef, coffee sachet, tuna, meatloaf, noodles at gatas.

Sumunod naman sa itinakdang standard health protocol ang mga nabanggit na ahensiya habang isinasagawa ang naturang relief distribution.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews