12 bahay natupok sa sunog sa Samal, Bataan

Naabo ang 12 kabahayan sa naganap na malaking sunog Biernes ng umaga sa Brgy. West Calaguiman, Samal, Bataan.

Kasama ang BFP Samal personnel ay personal na pumunta si Mayor Aida Macalinao sa fire scene para asistehan ang 15 households o pamilya na naapektuhan ng naturang sunog. 

Sa inisyal na impormasyon mula sa isang source ay sinasabing overloading sa kuryente ang hinihinalang pinagmulan ng sunog dahil umano sa illegal connections sa lugar. 

Isa ang naitalang nasugatan na nakilalang si Ernesto Rodriguez, 70 anyos, na nasunog ang mga braso nang tangkain umanong bumalik sa kanyang tahanan para iligtas ang ilang gamit.

Nasa Bataan General Hospital na ang biktima. 

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews