1,200 pamilya sa Isla Pamarawan dinalhan ng ayuda

Hindi naging hadlang ang malalaking alon ang paglalayag sakay ng bangkang-motor ang mga staff ng Bulacan Provincial Government sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) upang dalhan ng relief goods ang mga residente sa bahagi ng coastal area ng lalawigan partikular na sa Isla Pamarawan sa Lungsod ng Malolos nitong Biyernes.

Sakay ng tatlong bangkang de-motor personal na inihatid ni Governor Daniel Fernando at ang mga relief goods para sa 1,200 pamilya na nakatira sa Isla Pamarawan kung saan  ay kailangan salubungin ang mga malalaking alon sa karagatan para madala ang mga ayuda.

Kasama rin sa isinagawang relief distribution si Malolos City Mayor Bebong Gatchalian, Bokal Alex Castro at PSWDO head Rowena Tiongson na buong araw naghatid ng ayuda sa iba pang mga barangay sa nabanggit na lungsod.

Ayon kay Fernando, umabot sa 9,187 pamilya ang nabiyayaan ng naturang relief goods nang araw na yun kabilang rito ang 1,200 pamilya sa Isla Pamarawan; 1,620 families sa Barangay Bagna; 2,150 sa Barangay Sto. Rosario; 800 pamilya naman sa San Vicente; 527 sa Brgy Santiago at 994 families sa Brgy Anilao at 1,888 pamilya naman sa Barangay Sto. Nino sa bayan ng Hagonoy.

Paliwanag ni Tiongson, ang nasabing pamamahagi ng ayuda ay bahagi ng relief aid na kaloob ng pamahalaang panlalawigan para sa mga nasalanta ng nagdaang Bagyong Fabian.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews