120th Anibersaryo ng Phil. Civil Service sa Bataan

Magsasagawa ng month-long celebration ng ika-120 taong anibersaryo ng Philippine Civil Service sa pangunguna ng Civil Service Commission o CSC Bataan Field Office.

Sa kanyang naging panayam sa radio program “Morning Connections” sa Poweradio 104.5FM, sinabi ni Director Edgardo Cruz ng CSC Bataan Field Office, na ngayong taon ay may tema itong: “Public Sector in the Age of Digital Transformation.”

Katuwang ng CSC Bataan sa selebrasyon ang Council of Personnel Officers, Province of Bataan sa pangunguna ng Pangulo nito na si Aaron Cortez Rondilla, Human Resource Department Head ng Samal LGU.

Ayon pa kay Director Cruz, mula September 1 hanggang 30 ay puno aniya ng aktibidad ang nasabing selebrasyon na hinati sa apat na bahagi.

Sa unang linggo ay ang “VLOGyanihan”, isang patimpalak sa 1-2 minutong video vlog mula sa mga government agencies sa Bataan tampok ang iba’t ibang kwneto ng kabayanihan na iikot sa mga tema ng acronym na VLOG o Victory over adversities; Love over hopelessness; Opportunity over fear at Grace over crisis.

Sa ikalawang linggo ay ang “Sa Gitna ng Pandemya”, isang photography contest ng pandemic vignettes mula sa iba’t ibang ahensya ng Bataan tampok ang paglalarawan ng mga katangian kagaya ng selflessness, commitment at mga heroic deeds.

Sumunod sa ikatlong linggo ay ang “Project Hero” o ang isanlinggong online viewing ng “Kabayanihan ng mga Lingkod Bayani sa Gitna ng Pandemiya gamit ang various social media platforms

Panghuli sa kanilang selebrasyon ay ang “Gawad Empleyado” o ang awarding ng mga recognition o pagkilala sa Best VLOGyanihan at Best Photos.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews