123rd Philippine Republic ginunita sa Bulacan

CITY OF MALOLOS — Pinangunahan ni Governor Daniel Fernando ang paggunita sa 123rd anibersaryo ng First Philippine Republic na ginanap sa historic grounds ng Barasoain Church sa lungsod na ito Linggo ng umaga, January 23, 2022.

Isang simpleng seremonya na may temang  “Unang Republikang Pilipino: Sandigan ng Nagbabagong Panahon” ang ginanap gaya ng taunang tradisyon flag raising ceremony at wreath laying activity sa monumento ni Gen. Emilio Aguinaldo.

Sa gitna ng umiiral na pandemiya dulot ng Covid-19 sinabi ni Fernando na kailangan gunitain ang ganitong makabuluhang kaganapan na umukit ng kasaysayan ng Pilipinas sa mundo bilang  bansa na kayang mamahala.

“Ito ay hindi upang ipakita na memoryado natin ang aklat ng kasaysayan. Ang higit na mahalaga ay ang ipamulat sa ating henerasyon na taglay natin ang katatagan na nag-ugat sa mga aral ng nakaraan, at upang patunayan na marami tayong prinsipyong natutunan mula dito,” wika ng gobernador.

Kasama ni Fernando na nag-alay ng bulaklak sa dambana ni Aguinaldo sina Vice Gov. Wilhelmino M. Sy-Alvarado, National Historical Commission of the Philippines Representative Rosario V. Sapitan, City of Malolos Mayor Gilbert T. Gatchalian, Vice Mayor Noel G. Pineda, and PCol. Rommel J. Ochave of PNP Bulacan. 

Mahigpit namang ipinatupad ang health protocols sa naturang okasyon.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews