Umabot sa 134 loose firearms ang nasabat ng kapulisan ng Bataan sa isinagawang Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO) mula Setyembre 30 hanggang Oktubre 21, 2020.
Ito ang iniulat ng bagong talagang OIC-Provincial Director ng Bataan Police Provincial Office (BPPO) na si Police Colonel Joel K. Tampis sa isinagawang 1st Command Visit ni Police Brigadier General Valeriano De Leon, bagong talagang Regional Director ng PNP Police Regional Office 3 (Central Luzon) nitong nagdaang Hueves.
Iniulat din ni Col. Tampis ang 199 kataong naaresto sa 130 isinagawang police operations. Sa mga nakumpiskang baril, 127 dito ay pawang may kasong expired licenses.
Samantala, sa isinagawang 34 anti-illegal drugs operations ay umabot sa 120 sachets ng shabu ang nakumpiska sa 64 drug personalities na nadakip, na nagkakahalaga ng P308,500.