Nasa 136 micro, small and medium enterprises (MSMEs) sa Bulacan ang tumanggap ng sari-sari store package mula sa Department of Trade and Industry (DTI).
Sila ang pinaka naapektuhan ng hagupit ng bagyong “Egay” nitong kalagitnaan ng 2023.
Inilahad ni DTI OIC-Assistant Regional Director at concurrent Provincial Director Edna Dizon na nagkakahalaga ng P15 libo ang bawat isang package na ipinagkaloob ng ahensya sa ilalim ng programang Pangkabuhayan para sa Pagbangon at Ginhawa.
Tiniyak ni Dizon na magiging regular ang monitoring ng DTI upang maseguro na magagamit sa tama ang mga ibinigay na paninda.
Pinakamaraming benepisyaryo ng naturang tulong ang mula sa lungsod ng San Jose del Monte na nasa 14.
Ito ay sinundan ng Paombong na may 13, Calumpit na may siyam, at tig-walo sa Baliwag, San Miguel at Pandi. (CLJD/SFV-PIA 3)