14-day localized lockdown sa 9 na barangay, ipapatupad sa Mariveles

MARIVELES, Bataan – Sasailalim ang mga piling barangay sa bayang ito sa 14-day localized lockdown mula sa ika-12 hanggang ika-26 ng Setyembre bunsod ng patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19 dito.

Ayon sa video message ni Bataan Governor Abet Garcia sa kanyang Facebook Page, ang mga patakarang pinaiiral sa ilalim ng Enhanced Community Quarantine o ECQ ang ipapatupad dito.

Ito ang naging bunga ng pagpupulong na isinagawa nitong nagdaang Martes kasama si Governor Garcia, Mariveles Mayor Jocelyn Castaneda, mga opisyal ng iba’t-ibang barangay sa Mariveles, at mga kinatawan ng local Inter-Agency Task Force.

Ayon kay Mayor Castañeda, ang pangunahing layunin ng hakbang na ito ay upang mapangalagaan ang buhay at kalusugan ng kanyang mga kababayan, pati na ang kanilang mga pamilya.

Ang mga barangay na isasailalim sa localized lockdown ay ang Barangay Poblacion, Camaya, Maligaya, San Carlos, San Isidro, Sisiman, Balon Anito, Malaya, at Ipag.

As of September 10, ay nasa 602 ang active cases ng Covid-19 sa Bataan at 365 dito ay mula sa bayan ng Mariveles.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews