1,416 Bulakenyong mangingisda, tumanggap ng ayuda

May kabuuang 1,416 na na mga Bulakenyong mangingisda ang pinagkalooban ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ng cash at food assistance sa ilalim ng Cash and Food Subsidy for Marginal Farmers and Fisherfolks Program ng Department of Agriculture kamakailan.

May temang “Biyayang Pang-agrikultura, Hatid sa Gitna ng Pandemya”, pinangunahan ni Gob. Daniel Fernando ng Bulacan ang pamamahagi ng mga cash at food assistance sa apat na grupo ng mga benepisyaryo mula sa mga bayan ng Paombong, Hagonoy, Bulakan, Calumpit at Obando at mga Lunsod ng Malolos at Meycauayan.

Isinagawa ang pamamahagi noong Disyembre 17, 2020, Pebrero 4, 16 at 17, at Abril 27, 2021 ayon sa pagkakasunud-sunod.

Kabilang sa mga biyayang natanggap nila ay cash vouchers o perang nagkakahalaga ng tig-P3,000 at P2,000 halaga ng pagkain kabilang ang dressed na manok, mga itlog at tig-25 kilo ng bigas.

“Patuloy po tayong lumalaban sa pandemyang ito at hindi po tayo titigil sa paglaban at tuluy-tuloy po ang ating mga proyekto sa pamahalaan lalo na dito sa Pamahalaang Panlalawigan,” ani Fernando.

Umapela din ng tulong si Fernando sa 82 indibidwal na dumalo at kabilang sa apat na mga grupo ng nasabing nakatanggap ng suporta na ginanap sa Bulacan Capitol Gymnasium para sa panalangin, pagkakaisa at pagbangon sa naghihingalong ekonomiya dulot ng pandemya.Ibinahagi din niya ang plano ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan na pagpapalakas ng industriya ng paghahayupan at pagsasaka ng lalawigan kung saan hinikayat niya ang mga Bulakenyo na magpatakbo ng negosyo o magkaroong ng alternatibong pagkakakitaan sa pamamagitan ng pagpaparami ng produksyon ng mga itlog sa pagmamanukan bilang panlaban sa pandemya.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews