16 exhibitors lumahok sa DTI Singkaban Festival Diskwento Caravan

LUNGSOD NG MALOLOS — May kabuuang 16 exhibitors ang nakibahagi sa Singkaban Festival Diskwento Caravan ng Department of Trade and Industry o DTI.

Ayon kay DTI OIC-Provincial Director Ernani Dionisio, layunin nito na magbigay ng oportunidad sa mga konsyumer na makabili ng mga pangunahing bilihin sa discounted na presyo.

Kabilang sa mga ibinenta ang canned goods, kitchenwares, housewares, sapatos, handicrafts, tsinelas, fashion at jewelries accessories.

Nagtinda din ang National Food Authority ng murang bigas na nagkakahalaga ng 27 piso kada kilo.

Bago ito, nagsagawa ng kahalintulad na aktibidad ang DTI sa lungsod ng San Jose del Monte kasabay ng Balik-Eskwela nitong Hunyo. 

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews