17 illegal loggers kalaboso sa Bulacan

CAMP GEN ALEJO S SANTOS — Labing-pitong mga illegal loggers ang inaresto sa isinagawang joint anti-illegal logging operation ng pinagsanib na puwersa ng Community Environment and Natural Resources Office (CENRO) in Baliuag, First Scout Ranger Regiment (FSSR San Miguel, Bulacan), 3rd MP 2nd Bulacan Provincial Mobile Force Company (PMFC) at Doňa Remedios Trinidad Municipal Police Station (DRT MPS) sa Sitio Tatulo (Sumacbao River), Barangay Kalawakan, DRT, Bulacan kamakailan.

Kinilala ni Bulacan Police director PCol. Lawrence Cajipe ang mga naaresto na sina Mauro Mendez, 53;  Marvin Mendez, 29;  Marjun Mendez, 20;  Gaudencio Mendez, 19;  Marvin Barlis, 37;  Celestino Barlis, 35;  Sotero Madrid, 22;  Jordan Madrid, 19;  Rannie Bartolay, 19;  Junjun Bartolay, 22;  Alberto Sagubat, 54;  Bernie Ferater, 22;  Marlon Dela Cruz, 27;  Joel Bulacan, 45;  Danilo Pascual, 47;  isang 15-anyos at  12-anyos na menor de edad at pawang naninirahan sa Barangay Pias, General Tinio, Nueva Ecija.

Base sa imbestigasyon, bandang alas-2:00 Huwebes ng hapon nang mahuli sa akto ang mga suspek na ilegal na nagpuputol ng mga troso sa kabundukang ng  Sierra Madre sa bahagi ng  mga boundary ng DRT at Gen. Tinio Nueva Ecija na nagresulta ng kanilang pagkaaresto. 

Nakumpiska sa kanilang mga pag-iingat ang isang chainsaw; humigit-kumulang 200 piraso ng putol na mga troso (yakal) na may kabuuang dami na 10, 000 board feet; 2 improvised cal. 22 riffle at isang improvised shotgun.

Ang mga inaresto ay dinala sa DRT MPS custodial facility kung saan kakasuhan ang mga ito ng criminal complaints sa paglabag sa  PD 705, Violation of RA 9175 (chainsaw act), Violation RA 10591, Violation of Art 151 of RPC, Violation of RA 11332 and Violation of RA 11469 (Bayanihan to heal as one Act).

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews