Labing-pitong pasaway ang inaresto sa gitna ng mahigpit na implementasyon ng Enhance Community Quarantine sa lalawigan ng Bulacan nitong Miyerkules at Huwebes.
Ayon kay Bulacan Police director Col. Lawrence Cajipe, habang ipinapatupad ang strict implementation ng Enhance Community Quarantine sa buong lalawigan ay nakapag-aresto sila ng mga hindi sumusunod sa prohibisyon sa derektiba ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kaugnay ng kinakaharap na health emergency ng bansa laban sa COVID-19.
“Ang mga inaresto ay naging pasaway, unruly at nagsasalita ng hindi maganda sa mga awtorisadong personalidad habang nagpapairal ng batas,” ayon kay Cajipe.
Ang ilan naman ay dinakip habang nag-iinuman sa kalsadahan at ang iba naman ay sapilitang dumaraan sa mga checkpoints kahit ang mga ito ay pinagbabawalan.
Kinilala ang ilan sa mga ito na sina Marvin Sabaco, 38, ng Sarmiento Homes, Barangay Muzon; Neil Carlo Amboy Randez, 24; Wendell Banting Aquino, 23; Glenn Garcia Banting, 37; Karl Mutoc Legazpi, 23; Jovi Segurado Montiague, 26 pawang residente ng Barangay Lambakin sa bayan ng Marilao; Mick De Vera, 20; Ruby Ann Azarcon, 21; Jaime Quirit, 6; John Kristoffer Aboabo, 24; Geo Jun Fedilo, 27; Joel Tejares, 36; isang 16 at 17-anyos na Children In Conflict with the Law (CICL); Manuelito Manuguid, 31, of Barangay Bulac, Santa Maria; Anselmo Gloria, 28 at Cedric John Garcia, 25 ng Barangay Bambang, Bulakan, Bulacan.
Nabatid na sa kabila ng mahigpit na pagpapatupad ng “Enhanced Community Quarantine” ay patuloy pa rin ang pagbibigay ng anunsyo at abiso ng kapulisan at mga lokal na pamahalaan kaugnay ng mga dapat at hindi dapat gawin .kaugnay ng COVID-19 outbreak.
Inihahanda na ang mga kasong kakaharapin ng mga inaresto gaya ng Direct Assault, Physical Injury, Grave Threat, Alarm and Scandal, Violation of R.A. 11332, Disobedience and Violation to RA 9271.