17,000 bagong pulis kailangan ng PNP

CAMP CRAME – Nangagailangan ngayon ang Philippine National Police ng 17,000 na mga bagong pulis para sa taong 2020 kaugnay sa kanilang Recruitment Program.

Ayon sa ulat ni PNP Spokesperson Brigadier Gen. Bernard Banac, ang 10,000 na mga bagong pulis ay ire-recruit para sa annual recruitment quota at ang 7000 na mga bagong pulis ay additional quota na pampalit sa mga namatay, nadismissed at nag AWOL na pulis.

Sinabi ni Banac maaring mag-apply ang lahat ng babae at lalaki na may edad 21 anyos hanggang 30. 

Sinabi naman ni PNP OIC Lt. Gen. Archie Francisco Gamboa, titiyakin nila na pawang mga the best at qualified na candidates lamang ang mapipili nila.

Sasailalim aniya ang mga mare-recruit na pulis sa mandatory procedures of test, interviews, physical and psychological examinations.

Ang mare-recruit na mga bagong pulis ay kaagad na may ranggong Patrolman na may gross monthly salary P29,668.00 at iba pang mga allowances.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews