184 bata bininyagan sa Barangay Gaya-Gaya, CSJDM

Pinangunahan nina Governor Daniel R. Fernando at Vice Gov. Alexis Castro ang isinagawang ‘Binayagang Bayan’ kasabay ng pagdiriwang ng Kapistahan ng Ina ng Laging Saklolo sa simabahan ng Mother of Perpetual Help Quasi-Parish sa Barangay Gaya-Gaya, City of San Jose Del Monte kamakailan.

Nagsilbing mga ninong sina Fernando at Castro sadalawang batch ng mga bininyagan kung saan 92 na bata sa umaga at 92 ulit sa hapon na may kabuuang 184 na mga bata.

Ang pagbibinyag ay pinangunahan ni Rev. Fr. Menandro Nabong Jr. na dinaluhan din ng mga tumayo ring mga Ninong na sina Bokal Jonjon Delos Santos at Bokal Alen Baluyot.

Ang nasabing Binyagang Bayan ay pinangasiwaan ni Rowena Tiongson, hepe ng Bulacan Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) katuwang ang mga kawani ng Barangay Gaya-gaya sa pamumuno ni Chairman Enry Santos.

Nagkaloob sina Fernando at Castro ng libreng  Jollibee food packs sa bawat pamilyang bininyagan at cash gift.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews