2 arestado sa anti-illegal drugs operation sa Hermosa, Bataan

Nadakip sa isang police operation nitong Mierkoles ng hapon ang dalawa katao sa Brgy. Palihan, Hermosa, Bataan.

Ayon sa ulat ni Police Major Ernesto Esguerra, chief of police ng Hermosa Municipal Police Station, nadakip ang mga suspek ng pinagsanib na pwersa ng Special Drug Enforcement Unit (MPS SDEU) at Bataan Provincial Police Drug Enforcement Unit (PPDEU) sa pamumuno ni Major Phoe Pangan, ay matagumpay na naaresto sina Mangunday Ayunan Ali at Ana Grace Juaton y Quijano sa nabanggit na lugar ganap na alas singko y media ng hapon.

Ang operasyong anti-Illegal drug (buy-bust) na isinagawa ng mga nasabing yunit ay nagresulta sa pag-aresto sa mga suspek at pag-kumpiska ng 25 gramo ng suspected shabu na may Standard Drug Price na Php 170,000.00. 

Kasama rin sa na-kumpiska ang isang unit ng .38 caliber revolver ng hindi matukoy na brand at gawa, na may serial number 910909 at may kasamang 2 live ammunition at isang fired cartridge.

Ang mga suspek kasama ang na-kumpiskahang ebidensya ay dinala sa Hermosa MPS para sa tamang disposisyon. 

Ayon sa ulat, inatasan ang mga ito ng kinauukulan para sa paglabag sa Section 5 at 11, Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, Frustrated Homicide, Direct Assault Upon Agent of Person in Authority, at Illegal Discharge of Firearm.

Sa isang pahayag mula sa isang PNP personnel, tinangka umanong tumakas ang isa sa mga suspek at nagpaputok ng kanyang baril upang pigilan ang pag-aresto ng mga pulis. Gayunman, matagumpay pa ring naipatupad ng mga awtoridad ang kanilang tungkulin na mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa komunidad.

Ayon pa kay Major Esguerra nasabing operasyon ay patuloy na paigtingin ng mga lokal na yunit ng kapulisan upang mapanatili ang katahimikan at kaligtasan ng mamamayan laban sa iligal na droga at iba pang uri ng krimen sa nasasakupang lugar.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews