2 warehouses na gumagawa umano ng pekeng sigarilyo, sinalakay sa Bataan

Niraid ng mga pulis ang dalawang warehouses ng bigas na ginagamit umanong imbakan ng mga pekeng sigarilyo sa bayan ng Orion, Bataan.

Ayon sa ulat ng Orion PNP, unang sinalakay ang Crisostomo Rice Mill Warehouse sa Barangay Sto. Domingo at isinunod ang operasyon sa EBG Rice Mill Warehouse sa National Road, Barangay Balagtas.

Armado ng Letter of Authority – Power to Inspect and Visit for Violations of Chapter 3, Sec. 224 of the Customs Modernization and Tariff Act ang mga pulis kasama ang Bureau of Customs at mga miyembro ng Japanese Tobacco Inc. nang magsagawa ng operasyon na nagresulta sa pagkakakumpiska ng may P20 milyon halaga ng makinaryang gamit sa paggawa ng pekeng sigarilyo.

Nakumpiska rin sa operasyon sa ikalawang warehouse ang hindi mabilang na dami ng sako ng bigas at mga master case ng pekeng sigarilyo ng Winston red, Marlboro green, Shuang XI red, Seven Stars, Jackpot, D & B at Marvels red na may kabuuong halaga ng P10 million.

Ayon Naman sa report ng PNP PRO 3, ang warehouse ay sinasabing nirerentahan ng isang  nagngangalang Tony Vargas ng 1127 Mabini St., Malate, Manila at nakapangalan naman diumano ang warehouse ng isang Eric Sioson ng Balanga City, Bataan.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews