20 micro entrepreneurs sa Tarlac sumasailalim sa mentoring program

LUNGSOD NG TARLAC — May kabuuang 20 micro entrepreneurs sa Tarlac ang sumasailalim sa Kapatid Mentor Micro Enterprises o KMME program ng Department of Trade and Industry o DTI.

Ayon kay DTI Regional Director Judith Angeles, ito ang ikatlong batch mula sa lalawigan na sasailalim sa dalawang buwang pagsasanay na nakapokus sa Entrepreneurship Mindset, Values Formation, Marketing, Financial Management, Product Development at Innovation, Business Law, Taxation, Human Resources at Organizational Management.

Aniya, bahagi ito ng mga proyekto ng gobyerno na nagnanais na mapalakas ang sektor ng micro, small, and medium enterprises o MSME sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng kumpletong hanay ng mga serbisyo na magbibigay ng paglago sa negosyo gayundin ang pakikilahok hindi lamang sa lokal kundi pati na rin sa pandaigdigang pamilihan.

Magkakaroon 12 modules ang programa na naglalayong pataasin ang kaalaman at kakayahan ng MSMEs upang mapabuti ang kanilang mga negosyo.

Ang KMME ay ipinatutupad ng DTI sa pakikipagtulungan sa Philippine Center for Entrepreneurship na nasa ilalim ng pamumuno ni Presidential Adviser Joey Concepcion.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews