207 kapulisan, idineploy sa mga control points sa Bulacan

LUNGSOD NG MALOLOS — Humigit kumulang 207 kapulisan ang idineploy sa mga boundaries ng Bulacan matapos isailalim ang lalawigan sa Enhanced Community Quarantine o ECQ mula Marso 29 hanggang Abril 4.

Ayon kay Police Provincial Director Pcol. Lawrence Cajipe, ang mga police personnel ay kakatuwangin ng iba pang augmentation forces mula sa Bureau of Fire Protection, Army Reservists at barangay frontiners na magbabantay sa itinalagang control points sa mga city at municipal boundaries, provincial boundaries ng Bulacan at Maynila, at Bulacan at Pampanga at ang mga exits sa North Luzon Expressway.


Sa kabuuan, aabot sa 419 ang magmamantine ng mga checkpoints patungo at palabas ng lalawigan at papayagan lamang ng otoridad na dumaan sa mga checkpoints ang mga naghahatid ng basic services, daily essentials, essential goods, utilities at iba pang authorized persons outside residence.

Ayon kay Cajipe, maigting ang kanilang police visibility bilang tugon sa utos ng pamahalaan para sa mahigpit na implementasyon ng ECQ upang mapigilan ang mabilis na pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 at siguruhin ang kaligtasan ng bawat Bulakenyo. 

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews