21 micro entrepreneurs sa Pampanga sumasailalim sa mentoring program

LUNGSOD NG SAN FERNANDO, Pampanga — May kabuuang 21 micro entrepreneurs sa Pampanga ang sumasailalim ngayon sa Kapatid Mentor Micro Enterprises o KMME program ng Department of Trade and Industry o DTI.

Ayon kay DTI Pampanga OIC-Provincial Director Elenita Ordonio, 12 sa mga ito ay mula sa food sector habang ang nalalbi mula sa non-food.

Sila ang ikalawang batch mula sa lalawigan na sumasailalim sa naturang dalawang buwang pagsasanay na nakapokus sa Marketing, Financial Management, Human Resource Management, at Operations Management.

Requirement sa ika-11 at huling module ang presentasyon ng mentee ng kanyang business plan na magpapakita ng kanyang mga natutunan sa pagsasanay.

Ang KMME ay ipinatutupad ng DTI sa pakikipagtulungan sa Philippine Center for Entrepreneurship na pinamumunuan ni Presidential Adviser Joey Concepcion.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews