LUNGSOD NG CABANATUAN — Bagamat nasa ilalim pa din ng Enhanced Community Quarantine ay tuloy ang pamamahagi ng training allowance sa mga iskolar ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA sa Nueva Ecija.
Ayon kay TESDA Provincial Director Ava Heidi Dela Torre, nasa 219 indibiwal ang nakatanggap ng allowance nitong Mayo 4 hanggang Mayo 6 mula sa Training Support Funds ng tanggapan na may halagang 340,680 piso.
Nakapaloob aniya rito ang 69 benepisyaryo ng Special Training for Employment Program sa programang Shielded Metal Arc Welding at Hilot Wellness Massage ng Akarui Technical Foundation, Inc. sa bayan ng San Leonardo.
Kasama din sa mga nakatanggap ng allowance ang 150 iskolar mula sa ilalim ng Rice Extension Services Program ng Gerry’s Integrated Farm sa bayan ng Laur at IGB’s Farm sa General Tinio.
Paglilinaw ni Dela Torre, mahigpit na ipinatutupad sa naging aktibidad ang mga panuntunan upang makaiwas sa paglaganap ng coronavirus disease tulad ng social distancing at ang pagsusuot ng facemask, gloves, at iba pa. (