234 nakinabang sa Dinalupihan TUPAD-DOLE Program

DINALUPIHAN, Bataan – Pinangunahan ni Dinalupihan Mayor Maria Angela “Gila” Garcia ang pamamahagi ng payout mula sa Department of Labor and Employment sa kanilang programang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantage/Displaced Workers (DOLE-TUPAD) sa Bulwagan Ng Bayan. 

Ang naturang programa ay naisakatuparan sa pagtutulungan ng nasabing ahensiya at Local Government Unit ng Dinalupihan kung saan ang kabayaran para sa 234 na unang batch ng mga benepisaryo ay tumanggap ng halagang tig-P4,200. 

Ang nabanggit na halaga ay bilang kabayaran sa kanilang sampung araw na pagta-trabaho kagaya nalg pagtatanim ng gulay sa kani-kanilang bakuran at bilang ayuda na rin ng gobyerno partikular sa mga nawalan ng trabaho dahil sa pandemyang dulot ng Coronavirus Disease o Covid-19.

Katuwang din sa naturang programa ang tanggapan nila Bataan 1st District Rep. Geraldine Roman at Bataan 2nd District Rep. Jose Enrique Garcia III.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews