25 Dumagat, nagtapos ng agri crop production

May 25 Dumagat sa Sito Sapang Munti, barangay San Mateo sa Norzagaray, Bulacan ang nagtapos ng agricultural crop production skills training.

Ang naturang pagsasanay ay pinangunahan ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA katuwang ang Bausa Integrated Farm and Training Center at SM Foundation Inc.

Sinabi ni TESDA Regional Director Balmyrson Valdez sa mga nagtapos na dapat nilang i-aplay ang kanilang natutunan sa crop production upang mapabuti ang ani at mapataas ang kita.

Napakalaki anya ang lupain ng mga Dumagat para i-develop at palawakin ang taniman. 

Hinamon din ni Valdez ang chieftain ng Sitio Sapang Munti na mapalaki ang lugar ng taniman upang ang mas marami ang maaring ibentang produkto. 

Kasabay din ng naturang pagtatapos ang pamamahagi ng Personal Protective Equipment at internet allowance sa 25 trainee na nagkakahalaga ng 25,000 piso at karagdagang 168,000 piso para sa full living allowance.

Samantala, may 11 naman negokart mula sa pamahalaan panlalawigan at Department of Labor and Employment ang ipinamahagi kasama ang mga meat product mula sa San Miguel Corporation na nagkakahalaga ng 55,000 piso.

Sinabi ni TESDA Provincial Director Jovencio Ferrer na sa ibinigay na negosyo maaari nilang i-praktis ang entrepreneurial skills na natutunan gayundin magkaroon ng puhunan na magagamit muli.

Nagpaabot din ng tulong ang SM Foundation sa pamamagitan ng pagbibigay ng 598 pares ng sapatos para sa batang Dumagat sa naturang sitio. 

Ang pagkakaloob ng tulong sa mga katutubo sa bulubunduking bahagi ng Bulacan ay tugon pa rin ng pamahalaan upang wakasan ang matagal ng problema sa insurhensiya. (CLJD/VFC-PIA 3)

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews