266 probationary officer candidates, nagtapos ng Leadership Development Course

LUNGSOD NG MALOLOS — May 266 probationary officer candidates ang nagtapos ng Leadership Development Course o LDC sa First Scout Ranger Regiment.

Ang Madasigon Class 18-2021 ay dumaan sa mahigpit na training program na kahalintulad ng Scout Ranger Orientation Course.

Paliwanag ni Army Training and Doctrine Command o TRADOC Maneuver Center Director Col. Jose Dodjie Belloga Jr., ang LDC ay naka-disenyo na makabuo at maitaas ang kakayahan ng isang nag-aaral sa ranger school.

Sa pamamagitan nito, matututunan ng mga estudyanteng sundalo ang operational techniques at tactical knowledge sa pamumuno ng tropa ng sundalo upang epektibong maisagawa ang tungkulin bilang susunod na mga pinuno sa Hukbong Katihan.

Hinimok ni Belloga ang mga nagsipagtapos na palagiang panatilihin sa sarili ang mga natutunan habang sila ay patuloy sa pagsasanay sa pagiging isang opisyal ng Army.

Sila ay nakatakdang sumailalim sa pagsasanay sa Infantry Operation sa TRADOC sa Capas, Tarlac. 

Ang mga nagsipagtapos ng kurso ay ililipat at ipagpapatuloy ang pagsasanay sa Manuever Center, TRADOC, Philippine Army para sa kanilang Infantry Operation Training. 

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews