2K indibidwal sa Zambales magiging benepisyaryo ng TUPAD

May 2,371 indibidwal sa Zambales ang magiging benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Sa numerong ito, 1,065 ang mula sa bayan ng Castillejos habang 1,306 ang mula sa bayan ng Subic.

Ayon kay DOLE TUPAD Coordinator Samuel Capili, nasa kabuuang P4,600 ang sasahurin ng bawat benepisyaryo para sa 10 araw na pagtatrabaho.

Aniya, sila ay sumailalim sa orientation, profiling at contract signing.

Kabilang sa mga magiging benepisyaryo ay mga tricycle drayber, nagtitinda at katutubo.

Kaugnay nito, sila ay inaasahang magsagawa ng coastal cleanup, community cleanup, pagtatanim sa mga kabundukan, pagpintura sa mga paaralan at declogging sa mga kanal.

Ang TUPAD ay isang emergency employment program ng DOLE tuwing may kalamidad at krisis gaya ng pandemya. (CLJD/RGP-PIA 3)

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews