Olongapo City – Dahil sa pina-igting na kampanya kontra sa illegal na droga, tatlong pinaghihinalaang drug pushers at kasamang drug listed individual ang nasabat ng mga awtoridad sa kanilang anti-illegal drug buy-bust operations dito sa lungsod nitong June 9, 2021.
Base sa report ni JERIC VILLANUEVA, Acting City Director, Olongapo City Police Office, sa pinagsanib na pwersa ng CPDEU, OCPO at PS4, SPDEU na nag conduct ng buybust operation sa loob ng compound ng mga suspek sa J. Luna St., Purok 2, New Cabalan, Olongapo City na nag resulta sa pagkahuli ng mga ito na sina Reynaldo Pacamara y Soliva, lalake 42 years old, binata. Maverick Esguerra -lalake, 19 years old, binata, residente ng Purok 2, New Cabalan, Olongapo City; at Julius Zaragoza y Villanueva @Julius, drug listed individual, male, 40 years old, binata, residente ng #15 Adamos St, Block 3, Gordon Heights, Olongapo City.
Nakuha sa tatlong suspek ang labing dalawang (12) paketeng plastic sachets na naglalaman ng shabu na tumitimbang sa 50 grams na nagkakahalaga ng PHP. 340,000.00 at Php. 500.00 bill bilang mark money.
Naharap ang tatlo sa kasong violation of Secs. 5 & 11, Art II of RA 9165.
“Kami ay nagpapatuloy sa aming proactive na kampanya laban sa ano mang katiwalian sa illegal na droga dito sa ating rehiyon at hindi kami titigil hanggat hindi namin makamit ang mithiing maging drug-free ang Central Luzon.” saad ni PBGEN VALERIANO T. DE LEON.