3 patay, mahigit 40 sugatan sa banggaan ng bus at oil tanker sa Bataan

Tatlong katao ang kaagad na nasawi, habang nasa mahigit 40 ang sugatan nang magbanggaan ang isang pampasaherong bus at isang oil tanker sa Roman Highway, Brgy. Laon, Abucay, Bataan. 

Ayon sa inisyal na ulat ni Police Major Dennis B. Duran, hepe ng pulisya ng Abucay, patay on the spot sina Walter Buenaventura, driver ng Bataan Transit Bus no. 144; Reynaldo Monte, ng Norzagaray, Bulacan, driver ng oil tanker na may plakang CUU-757 at ang pasahero nitong si John Mark Victoria, ng Norzagaray, Bulacan din. 

Nabatid sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya na ang Bataan Transit na bumibiyahe noon pa-Hilaga nang ang isang oil tanker truck ay patungo sa direksyong Timog inokupahan nito (tanker) ang kabilang lane nang hindi napansin ang paparating na pampasaherong bus, na naging sanhi ng head-on collision. 

Dahil sa malakas na impact, sinabi ni Duran, parehong nasawi sa lugar ang mga driver ng mga sasakyan at isang pasahero.

Inaalam pa ng pulisya kung ilang pasahero ang nasugatan sa oras ng paglalahad.

Halos masira ang oil tanker habang nawasak din ang frontal area ng bus. Sinabi ni Duran na human error ang sanhi ng aksidente. 

“Lahat ng mga pasahero ng Bataan Transit ay dinala sa Bataan General Hospital para sa medikal na atensyon,” ulat ni Major Duran. 

Ang aksidente ay nagdulot ng napakatinding traffic jam sa loob ng ilang oras sa kahabaan ng six-lane Roman Highway.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews