Bagamat isang taon na ang nakalipas ay patuloy pa rin nagdadalamhati ang mamamayan ng Bocaue, Bulacan sa pumanaw nilang dating alkalde na si Mayor Joni Villanueva-Tugna kung saan ang local government unit dito ay inalala at ginunita ang first year death anniversary nito sa pamamagitan ng pamamahagi ng timba-timbang food packs na tinawag nilang “Joni’s bucket of love” nitong Miyerkules.
Mahigit sa 30,000 relief buckets na naglalaman ng rice, delata, noodles at kape ang ipinamahagi sa 19 na barangay sa inisyatibo ni former CIBAC Party List Representative Sherwin Tugna, asawa ni Mayor Joni sa pakikipagtulungan ng Sangguniang Bayan ng Bocaue sa pangunguna ni Vice Mayor Alvin Cotaco at mga konsehales Atty. Jeng Jose, Mirasol Bautista, Jerome Reyes, Yboyh Del Rosario, Aries Nieto, Dioscoro Juan, SK Chair Jamela Charisse at ABC Pres. Ruben Delos Santos.
Ang two-day distribution ng nasabing relief assistance ay bilang pag-alaala sa kanilang minamahal na si Mayor Tugna na para sa kapatid nitong si Senator Joel Villanueva ay inilarawan siya bilang finest public servant na walang tigil na paglingkuran ang kapwa nito Bocaueños noong magsimula ang lockdown last year sa kabila ng medical condition nito na naging dahilan ng pagkasawi ng alkalde.
Para sa kaniyang ama na si CIBAC Party List Representative at Deputy Speaker Bro. Eddie Villanueva at sa asawa at mga anak, si Mayor Joni ay higit pa sa isang public servant, a role model na sa kaniyang termino ay palagiang sinasabi ang ” Bocaueño deserves nothing but the best”.
Si Villanueva-Tugna ang unang local chief executive na sa kaniyang last major effort ay tumulong din sa mga magsasaka ng Benguet sa gitna ng umiiral na pandemiya ay binili nito ang tone-toneladang mga gulay doon na siya namang ipinamahagi sa mga Bocaueños at di alintana ang malubha nitong karamdaman.
Bagamat chronically ill ay siya pa mismo ang nanguna sa repacking ng biniling mga gulay sa Benguet farmers kung saan sa panayam sa kaniya sa mga oras na yun ay inamin nito na siya ay mayroong sakit na autoimmune disease na inaatake ang kaniyang mga vital organs.
Kahit lumalala na ang kalagayan ay mas pinili ni Mayor Joni ang kapakanan ng taumbayan at personal na pinangunahan at inasikaso ang isasagawang distribusyon ng relief goods.
Si Tugna ay kilala bilang “The Toss Coin Mayor” anng manalo ito sa unang termino niya sa pamamagitan ng toss coin matapos magtabla ang boto nila ng kaniyang katunggali. Siya ay na-confine sa St. Luke’s Hospital sa Taguig City ng ilang linggo hanggang sa bawian ng buhay sa edad na 42 dulot ng sepsis secondary to bacterial pneumonia.
Sa kaniyang pagpanaw ay marami ang nagimbal at hindi makapaniwala lalo na ang Jesus Is Lord (JIL) na si Bro. Villanueva ang founder at para sa bawat miyembro nito ay inilarawan siya bilang: “An exemplary leader, a pioneer, a trailblazer and woman of vision and action.”
Para naman sa mga Bocaueños, si Mayor Tugna ay matapat, mapagmahal, mapagkumbaba, mabait at matulungin na kaniyang pinatunayan nang kahit buhay ay ini-alay maibigay lang ang walang tigil na paglilingkod.