305 Bulakenyong magsasaka, mangingisda, tumanggap ng livelihood assistance, machineries

LUNGSOD NG MALOLOS- May kabuuang 305 na Bulakenyong magsasaka at mangingisda mula sa 21 bayan at tatlong lungsod ng Lalawigan ng Bulacan ang tumanggap ng tulong pangkabuhayan at makinarya mula sa Department of Agriculture (DA) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa pamamagitan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa ginanap na programa ng “Ahon Lahat, Pagkain Sapat (ALPAS) Kontra COVID-19” sa Bulacan Capitol Gymnasium nitong Martes.Ayon kay DA Secretary Dr. William Dar, nakatuon ang kanilang tanggapan sa mga lugar na nakatanggap na ng makinarya mula sa Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PHilMech) upang makita ang resulta ng mga reporma at hinikayat ang mga magsasaka na sumali o bumuo ng mga kooperatiba upang makatanggap ng ayuda mula sa pamahalaan na ipamamahagi sa pamamagitan ng naturang mekanismo.

“Madami nang reporma ang naumpisahan natin at itutuloy pa natin. Sa lahat ng farmers cooperative and associations, we would like you to be transformed not only to be productive but also to be involved in the marketing of the palay or even to dry and mill at ang ibenta po ninyo sa merkado ay bigas,” anang kalihim ng agrikultura.

BULAKENYO TUMANGGAP NG LIVELIHHOD ASSISTANCE MULA SA DAR–  Tumanggap ng livelihood assistance ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pangunguna ni Gobernador Daniel Fernando mula sa Department of Agriculture sa pangunguna naman ni Secretary William Dar sa ilalim ng “
Ahon Lahat, Pagkain Sapat (ALPAS) Kontra COVID-19″ program sa ginanap na Distribution of Livelihood Assistance to Fisherfolks and Farm Machineries to Farmers sa Bulacan. (Kuha mula kay ELOISA SILVERIO)

Binanggit din niya na para sa taong 2020 lamang, nakapagbigay ang DA sa Lalawigan ng Bulacan ng P960.5 milyong halaga ng proyekto at programa.Binigyang-diin naman ni Gobernador Daniel Fernando na magkasinghalaga ang ekonomiya at ang sistema ng kalusugan kaya naman tungkulin ng pamahalaan na panataliin ang tibay ng pundasyon ng lipunan.

“Napatunayan, lalo ngayon, ang kahalagahan ng pagsasaka at pangingisda sa ating lipunan. Maraming industriya ang nagsarado, maraming negosyo ang hindi nakapagbukas, subalit dahil sa mga magsasaka at mangingisda ay hindi tayo nagutom. Malaki ang utang natin sa kanila. Ang pagbibigay sa kanila ay parang pagsasalamat lamang sa walang pagod na pagta-trabaho para masiguro na may pagkain sa ating mga hapag,” wika ng gobernador.

Ibinahagi sa mga Bulakenyong magsasaka ang may anim na yunit ng four-wheel drive tractor, anim na yunit ng combine harvester, 27 yunit ng shallow tube well, dalawang yunit ng recirculating dryer, dalawang yunit ng mobile flash dryer, at apat na yunit ng warehouse na nagkakahalaga ng P36,404,726.32 ang ibinahagi sa ilalim ng Rice Mechanization Program ng Department of Agriculture na Provision of Agricultural Production, Postharvest and Processing Machinery and Equipment.

Gayundin, limang yunit ng shallow tube well at isang yunit ng corn husker sheller na nagkakahalaga ng P528,738.00 sa ilalim ng Corn Mechanization Program ng DA na Provision of Agricultural Production, Postharvest and Processing Machinery and Equipment ang ipinamahagi sa mga benepisyaryo.

Samantala, nagbigay ang BFAR sa pamamagitan ng kanilang Distribution of Livelihood Assistance to Fisherfolks and Farm Machineries to Farmers in support to “ALPAS (Ahon Lahat, Pagkain Sapat) Kontra COVID-19” ng 51 milyon piraso ng bangus fry; 700,000 piraso ng sex reversal tilapia fingerlings, 300,000 piraso ng mixed sex tilapia fingerlings, at 300,000 piraso ng saline tilapia fingerlings; isang yunit ng aquaphonics, isang yunit ng floating solar venturi aeration system bilang inobasyon sa small scale pond culture, at isang yunit ng tilapia hatchery artificial incubation system; isang yunit ng tilapia culture with nursery operation, dalawang yunit ng hatchery-reared milkfish nursery in earthen pond at isang yunit ng 75 days P. Vannamei culture in BW pond; at 18 fish vending equipment, isang elevated solar dryer, dalawang fish smoke house, 80 sets ng portable solar lamp, 1012.0HP marine engine, 18 7.5HP marine engine, 67 multifilament net, 80 gillnets at 25 cast net sa Lalawigan ng Bulacan.Kasabay ng naturang programa ay  ginawaran ni Kalihim Dar ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa ilalim ng liderato ni Gob Fernando ng ikaanim nitong Rice Achievers Award at ng seremonyal na tseke na nagkakahalaga ng P4 milyon na tinanggap ng gobernador kasama ang Panlalawigang Agrikulturista Ma. Gloria SF. Carrillo

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews