35 yunit ng kulong kulong ipinamahagi sa Botolan

 Namahagi ng kabuuang 35 yunit ng kulong kulong ang pamahalaang bayan ng Botolan sa Zambales sa 31 barangay nito at sa Task Force Mother Earth. 

Ayon kay Mayor Doris Maniquiz, layunin nito na matugunan ang problema sa basura sa munisipalidad.

Gagamitin ang mga kulong kulong sa pangongolekta ng basura sa household level at mga business establishment.

Pinaalalahanan ni Maniquiz ang mga kababayan na makipag-ugnayan sa kanilang barangay para sa araw ng koleksyon at tamang paghihiwalay ng basura o waste segregation. 

Dapat namanag gumamit ng Waste Monitoring Forms ang mga negosyong nakarehistro, 

Dagdag ni Maniquiz, mahigpit na ipapatupad sa bayan ang “No Segregation, No Collection Policy”. 

Aniya, kokolektahin lamang ng munisipyo at ng mga Barangay Collection Team ang mga basura na wasto ang pagkakabukod.

Hinikayat niya ang mga mamamayan na maging parte ng solusyon hindi ng polusyon.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews