350k motorista dadagsa sa NLEX, SCTEX, 175k sa CAVITEX ngayong Undas

Inaasahang aabot sa halos 350-libong motorista ang dadagsa at dadaan sa mga  expressway ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC), holding company ng North Luzon Expressway (NLEX), Subic Clark Tarlac Expressway (SCTEX) at 175k naman sa Cavite Expressway (CAVITEX) sa nalalapit na araw ng Undas.

Upang mapabilis, ligtas at maging komportable ang biyahe ng mga motoristang dadaan dito, muling ipatutupad ng MPTC ang kanilang motorist assistance program “Safe Trip Mo Sagot Ko” (SMSK) Undas 2019.

Sa isinagawang press briefing nitong Huwebes (Oktubre 24) sa Luxent Hotel, Quezon City ibinida ng MPTC ang mga paghahanda nila sa nalalapit na All Saints’ Day.

Inilahad din dito ng MPTC ang mga kasalukuyang major expansion at enhancement projects sa mga nabanggit na expressways.

Ayon kay Luigi Bautista, President/ General Manager ng NLEX Corp., tataas ng 10 hanggang 25 porsiyento mula sa mahigit 280k motoristang dumadaan araw-araw ang traffic volume ngayong Undas sa NLEX-SCTEX gayundin CAVITEX kung kayat sa pamamagitan ng SMSK motorists assistance program ay inaasahan na magiging epektibo ang implementasyon ng traffic management enhancement at toll collection services.

Sinabi ni Atty. Romulo Quimbo, NLEX’s SVP for Communication and Stakeholders Management, simula Biyernes (Oktubre 25) ay sisimulan na ng traffic operations personnel ng NLEX-SCTEX ang close monitoring at paghahanda sa pagdagsa ng mga motorista mula sa mga toll plaza ng Balintawak, Mindanao Avenue, Bocaue, Sta Ines, Tarlac at Tipo.

Simula naman sa Oktubre 26, 27, 28, 30, 31, Nobyembre 1 & 2 magbubukas ang 24 na toll collection points sa Balintawak Toll Plaza; 10 naman para sa Mindanao Avenue; 15 sa Tarlac at 6 sa Tipo Toll Plaza.

Sa Nobyembre 1 to 4 ang Bocaue Toll Barrier ay magkakaroon ng 55 collection points para sa mga Manila-bound motorists.

Dagdag pa ni Quimbo na simula Oktubre 24 hanggang Nobyembre 4 ay suspindido ang lahat ng road works at road closures sa NLEX-SCTEX-CAVITEX.

Mayroon ding ilalagay ang SMSK Motorists Camps na mayroong free calls, Wi-Fi, drinking water, mechanic services, first aid treatment at 24-hour free towing service.

“SMSK assistance program is to promote road safety and convenience at the toll lanes and they will expect no destructions during the  surge of motorists,” ayon kay Luigi Bautista, President/ General Manager ng NLEX Corp..

Kabilang naman sa mga expansion projects na kasalukuyang isinasagawa ng MPTC ay 2.6-kilometer ng NLEX Harbor Link Segment 10 C3-R10 Section mula sa Caloocan Interchange sa 5th Avenue/C3 Road, Caloocan City hanggang Radial Road 10 sa Lungsod ng Navotas na nasa 45 porsiyento na ang konstruksyon.

Kasalukuyan din ang konstruksyon ng 8.2-km Subic Freeport Expressway (SFEX) gayundin ang 8-km NLEX Connector na dudugtong sa NLEX southward mula sa huling bahagi ng NLEX Harbor Link Segment 10 sa C3/5th Avenue sa Caloocan hanggang PUP Sta Mesa, Manila.

Inaasahan din na bubuksan ngayong Nobyembre ang NLEX-Tambubong Interchange sa Bocaue na magde-decongest sa matinding trapik sa Turo Bocaue Interchange.

Ang SMSK traffic assistance program ng MPTC ay nasa ika-10 taon nang isinasagawa kung saan kabilang sa mga ito ang mga peak seasons simula Holy Week, National Heroes Day, All Saints’ Day, Christmas and New Year’s celebration, ayon kay Bautista.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews