3rd positive case ng COVID-19 naitala sa Bataan

Lunes ng gabi ay kinumpirma mismo ni Orion, Bataan Mayor Antonio “Tonypep” Raymundo ang ikatlong kaso na nagpositibo sa Corona Virus Disease-19 o COVID-19 ay mula sa kanilang bayan.

Dahil dito, sa pamamagitan ng Facebook live video ay iniutos ng alkalde na magpapatupad na siya ng 24 oras na curfew sa nasabing bayan para na rin aniya sa kapakanan ng mga residente ng Orion, Bataan.

Inatasan naman ng alkalde ang kanilang mga kapitan ng  barangay na mamahagi ng Quarantine Pass at iba pang uri ng passes na magagamit ng mga residente sa pamamalengke o bumili ng kanilang mga pangangailangan at pagpasok sa  trabaho ng mga essential workers.

Hinikayat din ng alkalde na ang bawat residente ay kailangan magsuot umano ng face mask lalo na kung lalabas para mamili ng pagkain o gamot para sa kanilang proteksyon.

Hindi pa nagbigay ng basic details ang DOH o ang Provincial Health Office hinggil sa nabanggit na ikatlong kaso ng COVID-19 sa Bataan.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews