4 na drug pushers patay, 23 pa arestado sa Bulacan

Apat na hinihinalang mga drug pusher ang tumimbwang makaraang makipagbarilan sa mga operatiba ng Bulacan PNP nitong Biyernes at Sabado ng umaga sa Lungsod ng San Jose Del Monte sa Bulcan.

Kinilala ni Bulacan Police Provincial Police Office (PPO) director PCol. Chito Bersaluna ang mga napatay sa engkuwentro na sina  John Frederick Mallo,  unified PDEA- PNP illegal drug watchlisted person; Eugenio Lopez, 39, residente ng Blk. 14, Lot. 5, Barangay San Rafael I, City of San Jose Del Monte, Bulacan; isang alias “Van” at  alias “Jay” na napatay rin sa nasabing buy bust operation cna isinagawa ng City of San Jose Del Monte Police Station.

Ayon kay CSJDM Police Station chief of police PLt. Col. Orlando Castil Jr. ang suspek na si Mallo ay agad na pinaputukan ang tauhan ng Drug Enforcement Operatives (DEU) ng San Jose Del Monte CPS matapos ang isang drug transaction sa  Sitio Paculis, Brgy. Gaya-gaya on Friday at about 1:40AM  nang maulinigang mga pulis ang kaniyang katransaksyon kung saan gumanti ng putok ang mga opertiba na siya nitong ikinamatay. 

Narekober sa pinangyarihan ng engkuwentro ang isang cal. 9mm revolver, siyam na piraso ng heat sealed transparent plastic sachetsng hinihinalang  shabu at ang ginamit na P500 bill na marked money.Sa Barangay San Rafael I sa nasabi ring lungsod, napatay din ang tatlong drug suspect nang manlaban sa mga pulis na kanilang ka-transaksyon bandang alas-12:30 ng madaling-araw kahapon.

Narekober sa mga ito ang dalawang improvised shot gun (sumpak), isang caliber 38, labing-siyam na  heat sealed transparent plastic sachets ng shabu, drug paraphernalias at marked money.

Nabatid na pito pang mga drug prsonalities ang nadakip sa magkakahiwalay na anti-illegal drug operations  na isinagawa sa mga bayan at lungsod ng SJDM, San Miguel, Bocaue at Santa Maria Police Stations. 

Nakilala ang mga naaresto na sina Ramil Veluz, 45,  residente ng Block 31 Lot 5 Area C, Purok 4, San Martin 2;  Toribio Orilly Jr, 40,  residente ng Block 41 Lot 4 Opal St., Area I, Lawang Pari at Romel Ternola, 47, residente ng Road 1, Minuyan 3, pawang sa CSJDM, Bulacan;  Frederick Tecson, 40, residente ng Brgy. San Juan, San Miguel, Bulacan; Vandamme Bongosia, 22, residente ng Block 8, Lot 78, Northville 5 Subdivision, Barangay Batia, Bocaue, Bulacan at isang 17-anyos na out of-school-youth at  residente ng Carmen St.., Brgy. Wakas, Bocaue, Bulacan; Reymar Dichosa , 31, resident of Block 12 Lot 18, Area F, Brgy San Pedro, CSJDM, Bulacan. 

Nakuha sa mga ito ang labing-limang heat-sealed sachet ng shabu at dalawang heat sealed sachets ng pinatuyong dahon ng marijuana, buy bust money at assorted drug paraphernalia. Samantala, anim naman  wanted persons ang nadakip ng mga tracker teams ng 1st Provincial Mobile Force Company (PMFC), Marilao, Santa Maria, Bocaue, Calumpit at Pandi Municipal Police Stations. 

Nakilala ang mga ito na sina Crisostomo Dennis Dela Cruz, 42, residente ng Block 6, Lot 20, Beverly Homes, Brgy. Prenza II, Marilao, Bulacan; Eleonor Mendoz, 39, nakatira sa No.814 D. Miguel St., Brgy. San Gabriel, Sta. Maria, Bulacan;  Albania Celeste Cayanan, 40, residente ng Block 20, Lot 15, Villa Zaragosa Subd., Brgy. Turo, Bocaue, Bulacan; Mercedita Oste, 45, residente ng No. 005 Purok-1, Brgy. Palimbang, Calumpit, Bulacan; Ryan Tolentino, 27, residente ng Brgy. Tiaong Lawa, Guiguinto, Bulacan; Taiguro Catamora, 38, ng Block 6 Lot 18, Brgy., Real De Cacarong, Pandi, Bulacan. 

Mga tauhan naman ng Meycauayan Police Stations at joint operatives ng Hagonoy Police Station at 1st Provincial Mobile Force Company (PMFC) ang nakaaresto sa sampu pang mga suspek na sangkot sa ibat-ibang krimen na nakilalang sina   Franklin Guitan, 20;  John Mark Lumansang, 22;  Jhon Moises Tayas, 19; dalawang pawang menor de edad na sangkot sa  pagnanakaw sa mga mga biktima nitong sin Donn Johnson Cera at Lance Jasper Montero. 

Carissa Martin, 31,  Chennie Tuanzon, 27; Girlie Velasco, 44;  Rodante Torres, 41 and  Rosano Santos, 34 na pawang nadakip sa illegal gambling.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews