417 doses ng CoronaVac galing DOH, dumating na sa Bataan

Dumating na sa Bataan General Hospital and Medical Center (BGHMC) nitong Sabado ang mga bakuna kontra COVID-19 para sa mga healthcare workers.

Ayon kay Bataan Governor Abet Garcia, ang 417 doses ng CoronaVac na tinanggap ng BGHMC sa pamumuno ni Medical Center Chief Dr. Glory Baltazar ay mula sa Department of Health.

Sa ngayon, nasa 2,680 doses ang nakalaan para sa lalawigan ng Bataan at inaasahang ipadadala ang iba pa sa mga susunod na araw.

Sa Lunes, ika-8 ng Marso, ay uumpisahan na ang pagbabakuna sa mga medical frontliners mula sa BGHMC at iba pang mga pampublikong hospital dito sa Bataan. 

Ayon pa sa Gobernador, inaasahang tuluy-tuloy na ang programa sa pagbabakuna na magbibigay ng proteksyon para sa kaligtasan na rin ng mga pamilyang Bataeño.

Ipinaaalam din Gov. Garcia sa lahat na ginagawa aniya ng Pamahalaang Panlalawigan ang buong makakaya nito upang maisagawa nang ligtas ang pagbabakuna para sa bawat Bataeño.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews