420 kilos ng ‘hot meat’ nasabat sa Marilao

Aabot sa mahigit 420 kilos ng “hot meat” na nakatakda sanang dalhin sa Maynila ang nasabat at kinumpiska ng mga kawani ng Marilao Municipal National Meat Inspection Service (NMIS) personnel matapos walang kaukulang dokumento maipakita para rito.

Dahil dito, arestado ang anim katao na kinilala ni Marilao Police chief LtCol. Dominador Ignacio na sina Almer Obnimaga; Mark Angelo Responde; Ojeck Salimbagat ; Aristeo Lorenzo; Aldrin Dalin at Reynan Alfonso, pawang mga residente ng Barangay Guyong, Sta Maria, Bulacan.

Sa imbestigasyon, bandang alas-10 ng gabi nang dumating sa Sta Rosa slaughterhouse ang isang Isuzu Refer Van na may plakang NBF-8068 at isang Isuzu Rebuilt Truck Refer Van CAS-9567 kung saan ang mga ito ay lulan ng mga buhay na kakataying baboy at mga karne ng katay nang baboy galing sa Qualipeak Livestock Corporation na naka-base sa Sta Maria town at pag-aari ng isang Thomas Haw.

Nang siyasatin ng mga kawani ng municipal NMIS sa pangunguna nina Meat Inspectors Edwin Torculas, Rita Gatchalian, Ruperto Trinidad at Marlon Benedicto, nadiskubre na ang mga karne ng baboy ay walang mga kaukulang dokumento upang ibiyahe kung kayat hindi pumasa sa NMIS inspection.

Agad itong kinumpiska at kinabukasan Linggo ay sinunog at ibinaon sa lupa habang nahaharap naman sa kasong Violation of R.A 10536 Amended as R.A 9296 Known as “Meat Inspection Code of the Philippines ang may-ari at mga naarestong suspek.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews