451 miyembro ng Kadamay sa Bulacan balik gobyerno

Nagpahayag ng pagtalikod o di pagsuporta ang 451 kasapi ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY) laban sa Communist Terrorist Group (CTG)  o New Peoples Army (NPA) kung saan ay nagbalik-loob na ang mga ito sa pamahalaan sa pakikipagtulungan ng mga kinatawan ng Regional at Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict (RTF-ELCAC), 48th and 7th Infantry Batallion (IB) of the Philippine Army and the Bulacan Police Provincial Office (PPO) sa ginanap na oat taking and signing ceremony nitong Huwebes.

Ang mga nasabing kadamay members  ay nanumpa at nangako na susuporta sa pamahalaan kasabay ng isinagawang community consultation sa mga ito na ginanap sa Atlantica Pandi 2 Resettlement Area sa Barangay Mapulang Lupa, Pandi, Bulacan. 

Dumalo sa nasabing event sina Bulacan Governor Daniel Fernando; BGen Andrew Costelo, Brigade Commander of 703 Bde, 7IB; LtCol  Felix Valdez, Battalion Commander of the 48IB;  Pandi Mayor Enrico Roque; PCol Soliva, PRO3 representative; Bulacan PNP director PCol Lawrence Cajipe at ibang kasapi ng regional and provincial ELCAC.

Ang panunumpa ng mga Kadamay returnees ay pinangunahan ng kanilang leader na si Lolita De Jesus, former president ng Kadamay Villa Luis resettlement site sa Barangay Siling Bata na sinaksihan ni Gob Fernando bilang at head ng Provincial Task Force-ELCAC.

Matapos ang panunumpa ay nagsagawa naman ng pagsunog sa bandila ng mga rebelde bilang patunay na tinatalikuran na nila at hindi na susuporta sa ano mang aktibidad ng mga makakaliwa o CPP-NPA na sinaksihan ng mga militar at government officials.

Ayon kay Gov. Fernando, ang desisyon ng mga kadamay na suportahan ang gobyerno ay isang tamang desisyon upang makatanggap at pakinabangan ng mga ito ang mga programa ng pamahalaang panlalawigan.

“The provincial government is implementing sustainable livelihood programs as well as scholarship programs for people like them as well as rebel returnees,” ani Fernando.

“I will help and support you sa abot ng aking makakaya,” dagdag pa nito.
Nagkaloob naman ng mga food packs ang bawat miyembro ng kadamay mula sa provincial at municipal government matapos ang nasabing oath taking and signing ceremony.

Ayon naman kay Pandi Mayor Roque, mula nang sakupin ng mga kadamay ang mga pabahay sa nasabing bayan noong said 2017 ay ikalawang beses o batch na aniya ito ng kadamay na nagbalik loob sa gobyerno.

Halos mag-iisang taon na nang 185 Kadamay members ang unang sumuko o nagbalik-loob sa tulong ni Mayor Roque at local police station.

“Masaya ako dahil meron tayo nahihikayat na katulad nila para magbalik-loob sa gobyerno pero nakakalungkot dahil meron pa rin mga nabubulagan sa maling paniniwala ng mga iilan na lamang natitirang Kadamay,” ani Mayor Roque.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews