47 bahay sa isang disputed land sa Hermosa, idedemolish na

Nasa apatnapu’t pito o 47 kabahayan ang nakatakdang idemolish sa ngayong buwan ng Oktubre sa isang disputed land sa Barangay Sumalo, Hermosa, Bataan.

Ito ang kinumpirma sa Bataan Local Press ng Riverforest Development Corporation o RDC base sa hawak nilang dokumento mula sa Hermosa-Dinalupihan Municipal Circuit Trial Court o MCTC.

Aniya, nitong nagdaang Biernes ay naisilbi na ng sheriff mula sa MCTC Hermosa-Dinalupihan ang Notice to Self-Demolition sa mga unlawful detainers.

Noong Mayo 2021 ay nauna nang dinemolish ang bahay ng kapitan dito at isa pang residente na kapanalig niya.

Ayon kay Dani Beltran, Estate and Community Development Manager ng RDC nasa 72 pamilya ang apektado sa naturang demolisyon na aniya, ay dumaan sa mahabang proseso at nabigyan ng clearance mula sa Presidential Commission on the Urban Poor o PCUP.

At dahil nga sa dumaan ito sa tamang proseso ng Korte mula pa noong 2013, ay full support dito maging ang local government unit ng Hermosa at makakatuwang din dito sa pagmimintina ng kapayapaan ang panlalawigan at pambayang pulisya sa tulong ng iba pang police units mula sa PNP PRO3.

Nag-ugat ang kaso sa umano ay pagnanais na makamkam ang tituladong lupa rito na may sukat na 213 ektarya ng grupo ng agaw lupa syndicate na pinamumunuan ng barangay kapitan dito na si Rolando Martinez na ngayon ay nahaharap sa mga kasong kriminal at administratibo dahil sa diumano ay panlilinlang nito sa mga residente at illegal na pangongolekta ng butaw kapalit ng ipinangakong lupa na nagtatago sa likod ng illegal na implementasyon ng Comprehensive Agrarian Reform Program o CARP ng gobyerno na ngayon ay pending pa sa Court of Appeals at Korte Suprema.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews