48th IB, nagsagawa ng outreach activity sa Aeta community

LUNGSOD NG MALOLOS — Nagsagawa ang Charlie Company ng 48th Infantry Battalion o 48thIB ng isang outreach activity sa Aeta community ng Sitio Kuyukot, Brgy. Camias sa bayan ng Porac, Pampanga.

Katuwang ang Rotary Club of Manila South, Jonelta Foundation at Commission on Election o COMELEC Employees Union sa pangunguna ni COMELEC Spokesperson James Jimenez, isinagawa ang isang medical at dental mission sa may 460 Aeta na naninirahan sa nasabing lugar.

Maliban sa medical check-up at dental extraction, nagpamahagi din ang grupo ng iba’t ibang gamit pang eskwela at food packs.

Ayon kay 48thIB Battalion Commander Lt. Col. Felix Emeterio Valdez, ang pagbibigay ng pangunahing serbisyo sa mga malalayong lugar tulad sa kabundukan lalo’t higit sa komunidad ng mga katutubo ay isa sa mga adbokasiya ng kasundaluhan upang iparamdam sa mga ito na sila ay tinutulungan ng pamahalaan.

Layunin din nito na isulong ang pangmatagalang kapayapaan at kaunlaran sa kabundukan. (CLJF/VFC-PIA 3)

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews