49 fake news peddlers, online scammers arestado ng PNP

CAMP CRAME – Umakyat na sa 49 na mga indibidwal na nagpapakalat ng fake news at online scammers ang nahuli ng mga tauhan ng Philippine National Police.

Ito ang kinumpirma ngayong Mierkoles ni PNP Spokesperson Police Brig. General Bernard Banac.

Aniya simula March 9 hanggang nitong April 13 ay 47 na katao na nagpakalat ng fake news patungkol sa COVID-19 ang kanilang nahuli habang ang dalawang naaresto ay online scammers.

Dalawampu’t apat (24) sa mga ito ay nasampahan na ng kaso ng PNP Anti Cyber Crime Unit. 

Samantala, pinabubulaanan naman ng PNP ang mga kumakalat na text tungkol sa umanoy standardization ng salary pension ng mga PNP retirees.

Sinabi ni Banac na batay sa impormasyon mula sa PNP Retirement and Benefits Administration Service (PRBS), walang silang direktiba na tataas ng 29 na porsyento ang pension ng mga PNP retirees.

Panawagan ni Banac sa publiko na huwag magpakalat ng mga hindi berepikadong impormasyon upang hindi maaresto at makasuhan. 

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews